Community, News

From Donna with Love: February 15, 2001

15 Feb , 2001  

FROM DONNA WITH LOVE
February 15, 2001

explanation at konting chika:)

hi everyone!:) i am sooooooo sorry for replying only now. kung alam niyo lang, ANG BAGAL NG ISP KO!!!! kainis nga eh kasi ako pa naman si ms. internet. wala na ako sa dating isp so sa free muna ako. matipid pero mabagal. siguro mga 30 minutes bago makalipat ng website. haaaaaaaay! i hope you guys understand. i’ll try to go back to my previous isp para naman maging active uli ang message boards natin. to all those who wrote mean things about me, i promised my self hindi na ako magpapa affect kasi i know i’m a good person and wala akong tinatapakang tao so GOD BLES YOU ALL na lang. siya na ang bahala sa inyo. sa mga nagtanggol sa akin, thank you! kasama kayo sa prayers ko. i know i’m not that active in showbusiness anymore pero ang importante naman is yung friendship nandiyan pa rin di ba? sana chat uli tayo.:) miss ko na kayo!

anyway, kuwento muna. i celebrated my bday at shangri-la mactan resort. we stayed there overnight. we had dinner sa paparazzi.

it was the most romantic night for me kasi yong gave me my dream engagement ring. para akong ikakasal uli and parang nagpropose uli si yong sa akin. may group of manghaharanas na kumanta ng “valentine” and ng birthday song tapos when the cake was placed on our table na, nakalagay dun yung ring.

di ba ang romantic?:))) parang sa movies. sorry ha hindi ako nagb-brag. kuwento lang kasi ang saya-saya ko and ang tagal niyo na walang narinig from me. kamusta ang valentine’s day niyo?:) kayo naman magkuwento ng valentine experience niyo. mareng che, gawa ka ng message board ng romantic experiences. i love hearing romantic stories. kakakilig!:)

i’m not with viva records na pala. ano pa ba chika? hmmm…ah yung the buzz this sunday na kasi last sunday siyempre was the bday celebration of ate kris. wala na rin time. nakita niyo na yung saralee?:) sige pag medyo ok na yung isp ko, baliitaan ko uli kayo. pasensya na kung hindi madalas ha. tams, thanks for understanding. si mareng che busy talaga. kamusta?

ay, about the hula pala, hula lang naman yun di ba? only God can tell our future and as long as we believe in him and nagdadasal tayo, hindi mangyayari yun. yong and i are very happy with each other and mahal namin ang isat-isa. 🙂 ingat kayong lahat!:)

much love,
Doings

p.s.
grabe yung baby ko mukhang sumusunod sa yapak ng mommy. singer din! and she loves to dance ha?! pag pasok sa room niya kailangan on agad ang music or else magwawala. hihi!:)she’s so funny nga eh.:) kakaaliw! scan ako ng bagong pictures pati sa bday ko pag meron na. TC everyone!:)

 

 


About “From Donna with Love”

From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what’s she’s been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.


 

 

 

, , ,