Community, News

From Donna with Love: May 12, 2001

12 May , 2001  

FROM DONNA WITH LOVE
May 12, 2001

my campaign experience

hi everyone, kamusta kayong lahat? hmm…medyo naipon ang messages so maramirami tayong sasagutin. we were in manila yesterday to campaign for yong’s uncle in san juan, si tito dolfo. he’s running for mayor. yes, kalaban si j.v.

it was one of my scariest experiences. mga 5 minutes before we arrived daw may nagpasabog ng bomb. hindi ko alam what kind and dun pa sa area na dinaanan namin. can u imagine what would have happened kung yung 5 minutes na yun eh naging exact time na pagdating namin at pinagsabugan?

kawawa naman yung mga nasaktan. grabe hindi nila iniisip yung mga ibang tao na walang kamalaymalay at may mga pamilya ding tulad ko at nila. puro si belle yung naiisip ko kasi we left her here in cebu dahil medyo scary nga. thank God walang nangyari samin. i felt like crying while i was singing kasi grabe risk din yun. but in a way nakatulong na rin ako sa pagsuporta sa partidong pinanininwalaan ko. yun lang. we left right away after ng kanta ko kasi nga delikado. pauwi pa lang dami ng nagtawagan like my kuya, my mom and dad, my production manager, my tita. lahat nagworry kasi nasa news pala agad. nagkagulo talaga. grabe no? haaay mga walang konsensiya.

sa mga gumawa nun at nag-utos nun, bahala na ang DIYOS sa kanila. salamat talaga kay God at safe kami.:)

our flight kanina coming back to cebu was super early kaya kakapagod. tom naman first flight uli kami going to manila again for my eat bulaga guesting. so hindi muna ako makakareply. pagbalik na lang. 🙂 again, pag may naskip remind me na lang. dami na rin kasi eh. naipon. pls. watch eat bulaga on saturday (tom na pala yun) and s.o.p. on sunday. i’ll be singing a very beautiful song by barbra streisand (my fav!)for my beautiful baby.:) mother’s day kasi eh di ba? balik din namin sunday sa cebu. may utang na date at gift pa sakin si yong hehe.:) happy mother’s day sa lahat ng mga mothers. saludo ako sa ating lahat. mabuhay tayong lahat!!!!:) God bless us all!

 

much love, 

Doings:))

 


About “From Donna with Love”

From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what’s she’s been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.


 

,