Community, News

From Donna with Love: April 12, 2002

12 Apr , 2002  

FROM DONNA WITH LOVE
April 12, 2002

hi everyone!!!!
hi everyone!!!!super sorry tagal ko di nakavisit ha? the last time na nagpost ako was before my bday pa yata and sabi ko kwento ko date namin ni yong. thank you all for being so understanding kasi kailangan ko talaga ngayon yun.

hirap maging preggy, nakakatamad kumilos. nagkasakit pako 🙁 wawa naman baby kasi kailangan ko mag antibiotics kasi nagkabronchitis ako. grabe kasi ang weather no? super init then uulan hay naku!! safe naman daw ang antibiotics so ok lang. nagc-cramps and mild contractions nako dahil sa cough ko. pls. pray for me and the baby na lang. ok ano ba ang chika? hmmm…. date pala namin ni yong simple lang. we had dinner at swiss chalet. dun din kami nung 22nd bday ko and 2nd anniversary namin. nice kasi ang ambiance. para kang nasa baguio. malamig kahit walang aircon. yun lang. heehee! 🙂 di na kailangan super special kasi special na ang feeling ng pagiging preggy uli di ba? ang importante alam mo na special ka sa paningin ng maraming tao, maraming nakaalala sa bday mo at marami nagmamahal sayo.:)

had an ultrasound 3 weeks ago, IT’S A BOY!!! heehee!:) ok may potenciano IV na kami. sa mga di type ang pangalan, wala kami choice kasi “the third” si yong hehe:). nice naman ang nick niya. we’ll call him “cian – poten”CIAN”o) cute no?:)

si belle alam din na magkababy brother na siya and excited na rin siya kasi lagi niya kinikiss ang tummy ko.:)

si yong? hay grabe kailangan ko pa ba sabihin ang reaction niya??? haha! alam niyo na yun.:) cloud nine talaga.:)

ako naman. siyempre happy pero ok lang naman talaga kahit ano. basta ang inalam ko talaga was kung ok and position ng baby, ng placenta at kumpleto at healthy siya heehee!:)

6 months nako ngayon. ang bilis no?:) hayan lumaki na uli pero mas laki pa rin ako kay belle nun.:) di bale papayat na lang uli after. mabilis naman eh.:)

we’re leaving for germany on saturday. mga 7-10 days lang naman. may training si yong para sa LASIK. they bought kasi a new machine yung panglaser sa mata (isa na ko sa future patients hehe) para maging 20/20 ang vision. pwede pa nga raw mas perfect pa sa 20/20.:) safe naman ang pagtravel kasi 2nd trimester lang ako. sorry pero di ako makasend ng pictures kasi nahihya ako at malaki nako. medyo namamaga na angnose ko haha!:) hayaan niyo, may digital cam nako kaya pagpayat na, lagi ako magpadala kay che ng pictures na she can post here.:) dami na pictures ni belle. bigyan ko si che para makita niyo si belle ngayon. parang dalaga na heehee!:) dami na niya alam and showbiz talaga mas showbiz pa kay mommy. 🙂 she’s so smart! 1-20 na ang nakacount niya and she’s only 2 yrs old. mahilig kumanta at sumayaw and ginagaya niya palagi si kylie minogue sa music vidoe ng can’t get you out of my head. everytime she hears that song, pag nakapony tail ang hair niya, tatanggalin niya at iikot-ikot ang ulo parang pasexy ang sayaw niya haha! super aliw ang daddy niya kasi nagkaron sila ng entertainer sa family.:)

hmmm.. ano pa ba kwento? baka magkavalentine show ako in manila next year. basta post ko info pag meron na uli.:) payat nako by that time hehe.:) sana nood yung mga nasa manila pag tuloy na tuloy na ha?:)

inaayos din ang recording contract ko. 🙂 sana tuloytuloy na after mag give birth.:) miss ko na rin ang pagkanta. at least mabigyan din ng space ang pag baby kasi kumpleto na kami girl and boy.:)

o sige yan muna basta pag may chika na bago, kwento ko sa inyo. miss you all!:) God bless!

love,
Doings:))


p.s.
super sad ang nangyari kay rico no?:( alam niyo naalala ko pa before, nagkita kami sa salon de manila, siya pa una lumapit sakin para maggreet and sabi niya kung pwede daw ako mag guest sa star darama presents niya and so i said oo naman siyempre. di na lang natuloy kasi nung time na yun mahigpit and competition sa magkabilang channel kaya ikinasal na lang ako, di na natuloy. napaka down-to-earth niya and yun nga, palagi nakasmile.:) di bale i’m sure mas masaya siya ngayon sa kinaroroonan niya. let us all pray for his soul na lang. kawawa lang kasi kahit nananahimik na siya may mga comments pa diyan ang ibang tao na dinudungisan siya. sana respetuhin na lang siya at patahimikin.

o yan sige at si belle nandito sa tabi ko at papaliguan ko pa.:) basta ingattayo lahat. 🙂 LOVE YAH ALL! mwah! 🙂



About “From Donna with Love”

From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what’s she’s been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.


 

,