FROM DONNA WITH LOVE
November 2, 2002
kamusta
hi everyone!!!! wow super happy ako to see na kahit na matagal akong di nakavisit sa message boards dami pa rin sa inyo na patuloy na nagpopost dito. happy ako kasi maraming naging friends at nakakapagkeep in touch kahit na walang kinalaman sakin.:)
salamat sa patuloy na pagsuporta niyo. 🙂 salamat also for your patience and understanding. 🙂 medyo daming reasons why hindi ako madalas talaga makavisit and i thank you all sa pag-intindi niyo kahit hindi niyo alam ang mga reasons, hindi kayo judgmental sakin.:)
About "From Donna with Love" From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what's she's been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.
una na ang pagiging preggy ko noon and lapit na manganak. gave birth aug.3 at 11:36 a.m. 7.14 lbs siya and 54 cms. haba no?:) naku kamukha din ni belle but mas laki mata niya heehee.:) mabait and hindi kami pinapahirapan sa madaling araw kasi hindi iyakin. si belle cry baby yun eh haha! magp-practice kasi siguro at baka maging singer din pag laki (wag lang magmana kay daddy!!! heehee!:) )naku si gen talaga tumawag sakin and sabi ko nga oo tagal nako di nakavisit kasi medyo maraming nangyari nung nakaraang month. alam ni gen yun. mga pangyayari na hindi niyo ma-iimagine na mangyari sa mahal niyo sa buhay lalo na sa pagiging isang parent. 🙁 belle got sick and nasa i.c.u. kami for 9 days. ang sakit sakit everytime maaalala ko kahit habang kinukuwento ko sa inyo ito naaalala ko lahat ng pinagdaanan namin ni yong at paghihirap ng anak namin. biglaan talaga lahat. nagka severe pneumonia si belle. sa sobrang sama ng tama sa kanya ng bacteria, nagka-myocarditis siya (bacteria sa heart). everyday, hindi ako makakalimot magthank you kay God for healing belle. when i brought belle to the emergence room, walang dr. na gustong magsabi sakin na she's gonna be ok. sabi nila magpray daw ako. yun naman ang ginagawa ko but then again ang hirap hirap kasi kita ko paghihirap ng anak ko. super rapid lahat ng nangyari kasi ang lakas lakas pa ni belle the day before it happened at nag aerobics pa kami. the next day hirap na siya huminga and nag blue na ang fingers niya. sabi ng dr. siguro dahil sa history ng asthma. na intubate si belle (may support ng machine for her to be able to breathe) and unsuccessful ang first attempt na ma-extubate siya. hindi niya pa kaya. 2 days after, sa tulong ng lahat ng nagpray for belle and sa galing ng doctors na tumulong talaga, na extubate na siya and nakakausap na namin siya. kawawa naman ang baby ko but sa nangyari alam ko mas naging stronger ako and napalapit kaming pamilya lalo kay God. ngayon pag makita niyo si belle parang di siya nagkasakit.:) ang bilis niya nag gain ng weight and mas sweet at dikit sakin ngayon. naku selos din siya kay cian heehee.:)
so salamat sa pag intindi niyo talaga. naku mahabang pangyayari talaga but ayoko na alalahanin ang lahat kasi masakit na masakit. gusto ko lang din i-share sa inyo, i-remind kayo na wag makalimot kay God, and mag thank you sa inyo kasi alam kong kahit hindi ko sabihin, marami sa inyo na iniinclude kaming family sa prayers niyo and malaking naitulong nun samin. maramingmaraming 100x salamat! 🙂may show dapat sa korea nov. 4 but since kelan lang nangyari yun kay belle, traumatic din for me ang nangyari. parang natatakot ako umalis at iwan sila kahit isang araw lang kaya pinacancel ko 🙁 yong was in manila for a convention when it happened and kasama ako dapat kay yong but for some reason, hindi ako natuloy. hindi talaga ako hinayaan ni God na matuloy kasi may mangyayari palang ganon and kakailanganin talaga ako ng anak ko. kinikilabutan ako basta maalala ko lang yun. buti nakakuha ng 1:30 am flight si yong pabalik sa cebu kasi parang mag-gigive up na rin ako sa hirap. pls include my babies palagi sa prayers niyo.:) na palagi sila maging safe and healthy. ganun na rin sa lahat ng mga bata. alam niyo isa pa sa pinapagpray ko? na makagawa na ng vaccine na safe and effective against dengue at magkaron na ng cure dito. yun din kasi madalas makabiktima sa mga bata. kawawa naman sila. pagpray natin yun.:)
ok on the lighter side naman, 110 lbs nako ngayon. heehee.:) kulang pa but malapit na mareach and pre pregnancy weight ko.ang cute cute ni cian. gwapo talaga and tangos nose (siyempre mommy and nagdedescribe haha!) will send (thru email) cheryl some pix of him para makita niyo rin. sa bday din ni belle magscan ako para makita niyo kami.:) scan ko lang kasi bad trip at nasira ang flash card ng digital cam ko kainis! sige yan muna ang balita. kotning pagyayari pero mabigat na mabigat 🙁 mabuti at masaya kami ngayon at mas napalapit pa sa isat-isa. o sige try ko muna sumagot sa mga messages dito isa-isa.:) ingat tayong lahat and wag kalimutan magpray at magpasalamat sa KANYA!.:) o hayan at nagising na ito si bellyboom heehee. nanghihingi ng food hehe.:) pakainin ko muna then reply ako later sa ibang messages. wala si yong kaya may time makasagot pag tulog na ang mga chikiting.:) pag dito kasi si yong siyempre after mag alaga at magspend ng time sa kids siyempre chika din kami ni yong kasi ang busy nun sa work. sige kitakits! God bless us all! with so much love and pasasalamat, Doings:))) and a big kiss....MWAH!!
About "From Donna with Love" From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what's she's been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.