Community, News

From Donna with Love: January 25, 2003

25 Jan , 2003  

FROM DONNA WITH LOVE
January 25, 2003

 

studies and family
hi everyone! kamusta kayong lahat? tagal walang chika no? medyo busy talaga ngayon sa studies and sa family. i’m here in yong’s clinic right now kasi blessing ng centre for sight II and may presscon pa sila kaya ako heto naghihintay sa kanya.

buti may internet dito si yong kaya hayan nagka time. grabe!!!! ano balita? 🙂 sakin heto as i’ve said talagang busy sa studies and sa family. kailangan bantayan talaga mga anak kasi isa lang magkasakit hawa na agad ang isa kaya aware dapat talaga esp kung sa case ni belle na asthmatic. sabi ng pedia naman niya na malaki ang chance na ma outgrow niya ang asthma kasi ganun usually pag bata. ang importante nakocontrol natin ito. 🙂

nabalita na pala sa inyo ni mitch, yes, may mtb guesting ako tomorrow.:) i’ll be performing with my cousins- gen, and sunshine. excited na kaming magpipinsan kasi ang tagal na namin talaga hindi nagkikita kaya hayun nagsched kami ng merienda after para konti chika naman then balik din ako agad dito sa cebu kasi mamimiss ko ang mag-aama ko. naku super buntot ko pa naman yun si belle.

konti mahiwalay lang iiyak agad and “where’s my mommy agad?!” heehee 🙂 ang sweet pero ang kulit din minsan kasi sa umaga na nga lang ako pwede makatulog eh hindi pako pinapatulog! haaay ang pagiging isang ina talaga! buti na lang sulit naman kasi may konswelo nako at super close talaga kami. si cian, tabachi na talaga but ok naman hindi naman overweight din talaga kasi hindi rin ok yun sa bata. malusog lang. chubby ba!:) sent some pictures of my kids to che na so hintay na lang kayo. busy din kasi siya sa work just like me sa bahay and sa studies naman kaya sana maintindihan niyo.:) ang importante nandito pa rin ang msg boards para makabalita at makachika paminsan-minsan. wala pang shows. pag meron naman ibabalita ko rin sa inyo agad. nood kayo tomorrow ha?

o sige since hindi nako madalas maka answer sa mga posts pasensya na ha? madalas kasi pagvisit ko ipon na and pag may hindi naman nasagot na iba, nagtatampo naman ang iba so set na lang tayo ng chat sched uli para chika chika naman and masagot mga questions niyo pati kayo chikahan niyo rin ako ha?!:) naku may konting gulo pala dito no? nabasa ko and ang haba na ng thread! maricar, condolence ha?! sabi mo nga ganyan talaga ng buhay although hindi ko alam how i would feel kung ako ang nasa katayuan mo ngayon sa nangyrai sa dad mo. basta be strong and i will include your dad in my prayers. re: the cruising post, hayaan mo na lang ang sumasagot sa post mo kasi opinion nila yun. we really cannot please everybody naman eh. kahit sakin marami rin galit especially when i was sill active in showbusiness kahit di ko alam ang dahilan (yung iba nababaduyan kasi artista or naaartehan or may ibang iniidolo lang kaya tinitira ka na) kahit naman sa mga galit satin may mga galit din sa kanila. hindi talaga perfect ang mundo and kung may pumansin satin, tignan na lang natin and timbangin kung makakatulong ba sa atin ang pagpansin nila na yun or not. basta alam mo kung ano nakakapagaligaya sayo, as long as wala tayong nasasaktan o natatapakan na ibang tao, and sensitive tayo sa feelings ng iba, yun ang sundin mo. ok? sige baka parating na rin yun si yong at medyo magreready nako.:) set tayo ng chat ha? post na lang natin dito when and what time k? medyo busy lang dito kasi ginagawa ko ang project ko sa system analysis and design hay kaloka! buti graduating nako in october. 🙂 finally makakatapos din! o sige ingat and God bless us all!

with so much love,
doings

 


About “From Donna with Love”

From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what’s she’s been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.


 

,