FROM DONNA WITH LOVE
Friday, February 13, 2004
hello everyone! i would like to welcome all of you to my new and improved, enhanced, mas high tech (more features will be added pa), ano pa ba? mas pinabongga, ah basta lahat lahat na ng pagpapaganda at pinagpaguran na ginawa ni che na site!!! 🙂
naku namiss ko na rin ang pag gawa ng album pero to be honest, i don't think we'll be able to produce a new one this year. siguro kasi walang budget din siyempre cebu pako so may mga accomodation fees pa and everything. di bale pag kaya ko na, kahit ako magproduce hee hee 🙂 pag kaya na. walang problem sa magrerelease ng album. yung sa pagpoproduce ang mabigat kasi.
hmmm ano nga ba balita? 🙂 ya i graduated na pala with a degree of bachelor of science in computer science at cebu doctors' college. naku nagmarch din ako kaya makikita niyo dito sa site soon ang graduation pix ko siyempre hindi pwede makalimutan yun.:) ang sarap ng pakiramdam ng nakatapos at nagamit ko ang pinag-aralan ko.:) my first project since then was to make the website www.sightfirstclinics.com . Site yan ng clinic ni yong (he's an ophthalmologist and yan ang name ng clinic niya - group of clinics kaya plural ang ginamit sa web addy). i'm inviting everyone also to visit the site. simple lang siya pero pwede pwede na rin for a beginner.:) i also wanna thank cheryl pala for her help. salamat sa tips and suggestions na nagamit ko talaga. galing mo talaga che. fan mo talaga ako sa pagiging web designer.:) thank you also for being a friend. ang tagal na ng pinagsamahan natin. kahit hindi tayo palagi nagkikita, alam ko you're a good person - a true friend. salamat talaga from the bottom of my heart 🙂
About "From Donna with Love" From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what's she's been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.
belle and cian are doing fine. belle is now 4 and si cian is 1 yr and 6 months. ang dami na nilang alam. belle is now going to school and hindi porke mommy niya ako, she's really very smart. last week was their school's father's day activity.sumali ako sa cheerdance competion ng mga mommies - hataw mga mommies! - kahit nakakahiya medyo mawawala kung para sa mga anak hee hee 🙂 2 teams lang naman (red and blue) and we won (red team). kasama ko rin ang sis ni yong na si betty sa team namin. ang saya ng feeling and enjoy talaga kasi pinapanood kami ng mga kids namin sa harap at nagcheecheer din sila for us haha! after ng cheerdance, takbuhan mga kids namin sabay hug. super sarap ng feeling!!!! 🙂 si yong naman nag-join sa basketball ng mga daddies and panalo din sila. yahoo!!! 🙂 ang corny nga nun kasi everytime makashoot may paturo-turo pa sakin (gets niyo? haha!) para daw sakin yun haha! baduy!!!!!!! pero sige na nga cute na rin! kilig na nga rin! haha!:) si cian naman super funny kasi everytime na makarinig ng music he would dance talaga at with feelings pa haha! pagslow ang music, slow din ang sayaw niya at pag fast, fast din. si belle kasi wala sa tiyempo before. si cian ang mukhang namana talaga sakin. si belle kasi pati ang ugali at pr sa dad niya eh. si cian mas shy parang ako. bait din at madaling patulugin as in walang problem at all. malambing sila both samin.:) mas grabe nga lang dikit sakin si belle. mommy's girl yun eh 🙂
naku bolera din yun pero kailangan may kapalit din yung papuri niya sayo. pag sabihin niya "mom, you're so pretty and sexy" hihintayin nun na sabihin mo rin sa kanya yun after at pag wala kang sabihin, she'd say "how about me mom?" hahaha! ang arte!!!!!!!:)sige mahaba-haba na rin ito. tagal kasing walang balita eh no? after my bday uli. i'll be celebrating my 27th bday na pala no? grabe parang kelan lang. i was only 21 when i got married and now ito at nasa late 20s na haha!:) lunch party lang kami with the family (my mom is also coming over tom kaya excited na ko) then dinner date kami 2 lang ni yong. siyempre naman at valentine's day din yun. happy valentine sa inyong lahat. and in behalf pala of my pretty and sexy (naks!) webmaster, MARAMING MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA NINYO SA WWW.DONNACRUZ.COM AT SA MAGANDANG PAGTANGGAP NIYO SA PAGBABALIK NG SITE KO!!! DAGHANG SALAMAT KAAYO KA NINYONG TANAN! (nabibingi na ba kayo sa pag type ko?) LOL 🙂 !!!!!!!!!! i hope you enjoy browsing through it as much as i do. God bless! (naks! makasulti nako ug bisaya no? medyo T.H. pa at gamay ra pero kasabot nako kaya dili na mabaligya) asus! 🙂 with so much love, Donna - Doings [PS] i wanna clarify some things din pala sa mga nagsulat before ng hindi ok. actually tapos na yun pero kailangan ko lang linawin. may nagsabi kasi before na hindi nako sikat at wala ng nag o-offer so bakit hindi na lang ako magquit talaga. first of all, kahit kelan hindi ako nagfeeling sikat. kahit kelan hindi pumasok yun sa isip ko. isa nga yun sa reasons why it was that easy for me to quit my acting career ng ganun lang. never naman akong nagquit sa singing because i love to sing! i love music! hindi ko yun kina-career. hindi ako kumakanta at nag-t-t.v. guesting because gusto ko sumikat. enjoy lang talaga ako kumanta at makita yung mga taong nakasama at nakatrabaho ko before na ok naman sakin at kahit papano mabigyan kaligayahan yung mga taong patuloy na sumusuporta at nakakamiss. opportunity na rin yun sakin to see my parents. kahit bata pako hilig ko na kumanta so pag may mga invitations, accept agad ako but it doesn't mean na yun na ang priority ko. siyempre i have my own family na to think of basta sa pagdedecide. sila muna bago ako and palagi sila kasama sa mga decisions ko so hindi ganun kadali tumanggap ng offers. mahirap kasi pagsabayin ang pamilya at career kaya may kailangan kang mas bigyan ng importance and siyempre pamilya ko muna. bihira yung may successful na career at family at the same time di ba?. anyway, kahit siguro pag tanda ko, kakanta pa rin ako and it doesn't mean na nag a-accept ako ng invitations because gusto ko sumikat pa. ano naman masama dun si ba? i am very contented with my life at mababaw lang naman kaligayahan ko. i sing because it is my passion. i also felt sad dahil sa mga nasty things that were said to and about my husband. sabi ng iba hindi ako sumasagot basta negative comments and gusto ko lang marinig yung mga magagandang sinasabi. NOT TRUE! even before madami ng mga negative comments and opinions especially nung bago pa ang site but nagrereply pa rin ako and nagpopost ng messages. sa mga criticisms, alam ko kung may point or medyo ksp lang because kung sa tingin ko totoo and makakatulong sa pagbabago, pinag-iisipan ko rin at baka pwedeng ma-i-apply sa sariling kapakanan at ikabubuti but yung mga sinulat before were too much na and salbahe na talaga. foul na talaga. i am using the word salbahe kasi yun talaga ang nakita ko. yes, reading those messages esp nung may mga sinabing mean things sa husband ko made me cry. parang ayoko na bumalik nun sa site but then i realized na kung gawin ko yun, parang pinapanalo ko yung mga tao na yun at i give up ko lahat ng magandang pinagsamahan natin dito sa site at lahat ng hirap ng webmaster natin. HINDI SIYA WORTH IT! kailangan lang siguro nila ng attention at pagmamahal kasi medyo nakulangan kasi ang alam ko kung puno ka nun, kahit sobrang inis ka pa sa isang tao, hindi ka makakapagsalita ng ganun kasama against somebody especially kung hindi mo naman talaga kakilala personally. oh well, sa mga maraming pagsubok pa na dadaanan ng site natin, let's all get ready and remind ourselves na kaya natin ito, kaya natin sila. "kahit may luha, may kapalit na saya, kung mayrong barkada na nagdadamayan. basta mayrong kaibigan na laging nandyan":) ok ba che? 🙂
hey napanood niyo ba si michael buble? grabe!!!!!!!!!!!!!!! bilib ako! heehee 🙂 galing galing niya! super funny pa. sa mga hindi nakanood, next time na bumalik siya go and watch him perform. bihira ang ganun kagaling mag live kumanta at ok din moves niya. fan na fan niya rin ako kasi hee hee even before pumunta pa siya dito.:)o sige yan na muna. haaaay i feel much better now. thanks for hearing me out. 🙂
About "From Donna with Love" From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what's she's been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.