From Donna with Love: June 6, 2001
FROM DONNA WITH LOVE June 6, 2001 TELESINE hi everyone!!!:) sorry ha super tagal kong nawala. belle's yaya came back last monday lang (june 4 ba yun?- hehe di ko na alam ang date) : ) so yesterday nagtulog talaga ako the whole day. super tiring talaga mag-alaga ng baby full time. wala talaga akong katulong. medyo nakakapahinga lang pag tulog si belle sumasabay ako.:) sarap naman may baby eh kaya ok lang yung pagod. worth it lahat basta makita mo lang na magsmile sayo and magkiss ang baby mo.:) ok here's my kuwento na about my telesine taping last week...
i played the role of annie reyes, may schizophrenia siya(sponsored pala ito ng D.O.H.) and ikinakahiya siya ng sister niya (played by danica sotto).
yung mom namin (played by chanda romero) all out ang support sakin pero naiipit siya samin ni danica kasi kailangan equal ang pagtingin samin. may crush si annie reyes dito kay rico (played by ian de leon - yes, nagreunion kami ni ian hehe! wala pa rin siyang pinagbago. nakakatawa pa rin siya sobra!) 🙂 magiging sila pero may mga problems din kasi nga may sakit si annie and hindi alam ni rico sa una kasi hindi naman halata ang sakit na yun. dun iikot ang story. o basta panoorin niyo na lang then pagnapalabas na, ikukuwento ko na talaga lahat para yung hindi nakapanood, malaman ang whole story. corny na kasi pag kinuwento ko lahat and hindi pa napapalabas.:)
cute and may lesson ang story. sana hindi natin i judge yung mga tulad nila kasi tao rin naman sila and dapat maging supportive na lang tayo sa kanila. especially yung mga nagsisimula pa lang na ganon and hindi pa naman malala, hindi dapat ipasok agad sa mental hospital kasi puwede pang gumaling yun as long as hindi sila tutuksuhin at aapihin. yun ang lesson dun. wag maging judgmental sa kanila.:)
ok ganito kagrabe ang schedule ko these past few weeks. si sally (belle's nanny) left last may 19 so everyday ako ang nagyaya kay belle mula paligo and kain and patulog:) halos the whole week non nagyaya lang ako and nagbasa ng script for my telesine. whew! daming sequences! madugo talaga yung taping. then punta kami sa manila nung friday that same week para medyo makarest for the taping nung saturday. ok call time namin sa taping saturday was 6 am. we started at around 8-8:30 and ended up at 5:30 am the next day (sunday morning) wala talagang pahinga. then sunday 10 am call time namin para sa second say na taping (yes, 2 days ang taping pero halos 48 hours ang trabaho straight. konting tulog lang) we started at 11:30 am then ended up at 5:40 am. monday morning na (ang hirap maging artista no?! hihih!:) from the taping, i went back to the hotel where we stayed at to pick up yong and belle lang then we went straight na to the airport kasi our flight was at 7:30 am so wala ng time matulog. super tiring talaga!!!! we had to leave early kasi may clinic pa si yong and hindi na siya puwede magabsent. thankful na lang ako na pinayagan niya ako magtaping and very supportive siya sakin and sa career ko kaya nagcompromise kami na super early ang flight namin kahit wala ng tulog. we got home at 10 pm and natulog ako until 2:30 para may strength naman ako to take care of belle. si yong muna nagbantay sa kanya while i was sleeping. tapos nun, deretso na hanggang pagdating ni sally ang pagod ko. so yesterday lang na i was really able to rest and sleep. whew!!! hirap maging dakilang mommy!!:) ngayon yehey!!! may time na kahit papano. yong and i watched "the mommy returns" kanina and grabe ang ganda esp yung effects! you should see it also. inaabangan ko yung pearl harbor. namiss ko kayo! namiss ko magvisit sa hp!:) i still don't know when my telesine will be shown pero i'll let you know pag alam ko na. have a show pala in ayala center on june 17, father's day.:) short show lang. yung pagreply sa messages niyo isa-isa ko na lang ha? medyo naipon kasi so again, pag may naskip pa remind lang.:) pasensya na. possible kaya na makapost ako ng pictures din dito para makashare ako sa inyo ng mga new photos namin kasi siyempre marami rin ginagawa si cheryl kaya we don't want to bother her, tama na nagvolunteer siya na gumawa ng hp for me and pinapaganda niya unti-unti.:) thanks mare! kung may way na ako makapost i'll do it pero kung wala, wait na lang uli tayo.:) o sige basta hintay na lang kayo sa susunod na reply.:) ingat! God bless us all! 🙂   much love,  Doings  
About "From Donna with Love" From 2000-2004 Donna sends on and off updates about her life, sharing what's she's been up to, her family life, her feelings and other fun tidbits via this website. Donna wrote to all of us in a personally written unedited email-style of communication format. Distribution of this content, partially or in its entirety is not permitted without permission from Donna and her artist management company.
 

More...

Donna’s pre-birthday with Yong and Joms

February 14 is not just Valentines’ Day but of course our very own Donna’s birthday. A few days before her birthday, Donna traveled to Miami, Florida to meet her husband and support him in his 7 continents in 7 days prestigious world marathon race.

BTS – Crispy Fry TVC with Donna and Gio

The actual TVC is lovely but the BTS is super cute! Watch the behind the scenes cut of the Crispy Fry TVC with Donna and Gio: Watch video @ Ajinomoto PH’s Facebook Page: https://fb.watch/eUOgtoXp4y/